"Yosi! Yosi! Yosi kayo d'yan! TAKATAKTAKATAK!
Boy! Pabili nga ng lights at mentos."
Napaka-demanding ng batang aming napagbilhan. Gusto pa niya ang bilhin ko isang kaha na. Sabi ko nga sa kanya bankrupt na ko e, pero next time bibili na ko ng isang kaha.
I'm sure mahirap 'yung ginagawa niya, halos magdamag na nagbebenta ng sigarilyo sa park para lamang sa kakarampot na tubo. Kung mahina ang benta, ano kaya kakainin niya at ng kanyang pamilya? Samantalang ako, parang walang bukas kung maglustay ng pera. Sana dumating 'yung panahon na maka-ahon sila sa hirap. Sana rin matuto akong magpahalaga sa mga bagay-bagay na mayroon ako.
No comments:
Post a Comment