Saturday, December 4, 2010
Halika na tulog na tayo...
Habang tayo ay kumportable sa pagtulog, ang mga batang ito ay nakukuntento na sa isang malamig na sahig, maruruming hagdan, at kung saan lang pwedeng makapagpahinga mula sa kalupitan ng kalsada ng Maynila. Para sa kanilang mga batang kalye ang maruruming lugar ng maynila ay tahanan at lugar ng pahingahan. Kaya sa aking pagninilay sa ganitong mga larawan ng kabataan, ang pumasok lang sa aking isipan ay... nasaan na ang kanilang mga magulang? Bakit sa kanilang murang edad ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon na makaranas ng isang payak ngunit tahanang magpprotekta sa kanila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment