Saturday, December 4, 2010

Namamasko Po!

Noong isang linggo, as usual tambay na naman ako kasama ng aking mga katropa sa simbahan. Napagkwentuhan namin ang mga ginagawa namin tuwing sasapit na ang pasko pati na rin ang aming mga plano para sa buwan na ito. Mangagaroling, magpupunta sa mga christmas party, mamimili ng mga pangregalo at magkumpara ng mga natanggap namin noong nakaraang pasko.

Nang biglang may lumapit sa aming mga bata, probably around the age of 7-10 years old. May mga hawak na tambourine na gawa sa alambre at piniping tansan, habang kumakanta ng "Ang Pasko ay Sumapit." Pero bago pa sila matapos, binigyan na namin sila ng barya para umalis na dahil naiiistorbo nila ang aming pagkukwentuhan.

After a few hours, naglalakad na ako mag-isa pauwi. Hindi ko maalis sa aking isipan ung mga batang paslit na nangaroling sa amin. Napag-isip-isip ko tuloy kung gaano ako ka-swerte. Naalala ko ung aming mga pinag-uusapan, how I take Christmas for granted. How I never really cared about the true meaning of Christmas. Samantalang 'yung mga batang paslit kanina, masaya na sa piso o dalawang piso na naibigay namin. Such simple joy in simple things. I wish I can be the same as them.

1 comment:

  1. hello. can i borrow this photo? will post it on tumblr and get you a photo credit of course..

    ReplyDelete