PARA!!!
At ako'y sumakay na ng jeep, at sa aking pag-upo biglang may pumasok, isang batang maliit na may hawak na pranela. Gumagapang, pinupunasan ang lahat ng aming mga sapatos at kahit naka-tsinelas ka pa ay pupunasan ka parin. Tititig sayo at manghihingi ng konting barya, ito ang buhay ng ilang kabataan sa kalsada ng Maynila, well paraparaan lang ang kanilang pamumuhay, at kung di sa mga baryang kanilang makukuha ay patuloy na kakalam ang kanilang sikmura. Ako'y nahahabag sa kanilang mga itsura, mga musmos na kailangan ng pangangalaga sa kanilang katawan, ngunit sadyang malupit ang buhay sa mga batang ito, hindi sila nabigyan ng pagkakataong makaranas ng kahit payak na pamumuhay man lang.
At sa aking pagbaba ng jee na aking sinasakyan natanong ko sa aking sarili, kung ang mga batang ito ay mangangarap, magbibigay daan kaya ang tadhana para sa kanila? Sana nga sapat na ang mangarap para makaahon sila sa ganong kalagayan...
No comments:
Post a Comment