Saturday, December 4, 2010
TROPA!
Ang mga Pilipino ay likas na pala-kaibigan, at ito ang isa sa mga magagandang katangian natin. At ito ay madalas kong nakikita sa mga batang kalye, "TROPA" ang tawag nila sa kanilang mga kaibigan. Nakakatuwa na ako ay may mga katropang nakilala sa Katipunan Ave., at madalas nila akong tinutulungan na kumuha ng taxi tuwing akoĆ½ umuuwi galing doon. Okay na nga lang sa kanila minsan kung wala akong binibigay na barya eh, hindi parin nagbabago ang kanilang mabuting pakikitungo sakin at lalo na ang tawagan naming ng mga tropa ko. Ang mga kabataang ito sa kalsada ng Kamaynilaan, ay katulad din ng lahat, na gusto ng mga makakasama sa katuwaan, na magpaparamdam ng pag-tanggap sa kanila... Kaya sana ay huwag natin silang tignan bilang ibang tao, na kakatakutan at lalayuan dahil sila ay madungis tignan, sila ay mga kabataang katulad natin, batang Pinoy!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment